ICDEC.PH

December 7, 2023 | 3rd Floor, Municipal Hall, General Nakar

Masayang idinaos noong Disyembre 7, 2023 ang 𝐂𝐮𝐥𝐦𝐢𝐧𝐚𝐭𝐢𝐧𝐠 𝐀𝐜𝐭𝐢𝐯𝐢𝐭𝐲 at 𝐂𝐡𝐫𝐢𝐬𝐭𝐦𝐚𝐬 𝐏𝐚𝐫𝐭𝐲 para sa Feed the Future Project. Ang culminating activity ay huling aktibidad sa pagtatapos ng 60-day feeding program ng ICDeC kung saan ay binibigyan ng pagkilala ang mga taong nasa likod ng tagumpay ng programa.

Dinaluhan ang nasabing programa ng Action Man ng General Nakar, 𝐇𝐨𝐧. 𝐄𝐥𝐢𝐬𝐞𝐨 𝐑. 𝐑𝐮𝐳𝐨𝐥, 𝐒𝐫., 𝐂𝐄𝐎 𝐀𝐧𝐧𝐚𝐥𝐲𝐧 𝐑. 𝐑𝐮𝐭𝐚𝐪𝐮𝐢𝐨, 𝐌𝐍𝐀𝐎 𝐀𝐧𝐠𝐞𝐥𝐢 𝐒𝐨𝐥𝐥𝐚𝐧𝐨, 𝐁𝐚𝐫𝐚𝐧𝐠𝐚𝐲 𝐍𝐮𝐭𝐫𝐢𝐭𝐢𝐨𝐧 𝐒𝐜𝐡𝐨𝐥𝐚𝐫𝐬 (𝐁𝐍𝐒), 𝐂𝐨𝐦𝐦𝐮𝐧𝐢𝐭𝐲 𝐃𝐞𝐯𝐞𝐥𝐨𝐩𝐦𝐞𝐧𝐭 𝐂𝐨𝐦𝐦𝐢𝐭𝐭𝐞𝐞 ng ICDeC at mga myembro ng 𝙍𝙀𝙄𝙉𝘼 (𝙌𝙪𝙚𝙯𝙤𝙣) 𝙎𝙪𝙣𝙧𝙞𝙨𝙚 𝙇𝙞𝙤𝙣𝙨 𝘾𝙡𝙪𝙗 sa pangunguna ng kanilang president, 𝗟𝗶𝗼𝗻 𝐈𝐨𝐧𝐚 𝗠𝗮𝗿𝗶𝗲 𝗩. 𝗘𝘀𝘁𝗮𝗯𝗹𝗲𝗰𝗶𝗱𝗮, 𝗠𝗝𝗙 𝙖𝙩 𝘽𝙞𝙣𝙖𝙣𝙜𝙤𝙣𝙖𝙣 𝘿𝙚 𝙇𝙖𝙢𝙥𝙤𝙣 𝙋𝙖𝙘𝙞𝙛𝙞𝙘 𝙁𝙎 𝙀𝙖𝙜𝙡𝙚𝙨 𝘾𝙡𝙪𝙗 sa pangunguna ng kanilang Vice-president, 𝗦𝗶𝗿 𝗥𝗼𝗱𝗲𝗹 𝗣𝗲ñ𝗮𝗺𝗮𝗻𝘁𝗲.

Kinilala at binigyan ng pagpupugay ng ICDeC ang mga 𝐁𝐚𝐫𝐚𝐧𝐠𝐚𝐲 𝐍𝐮𝐭𝐫𝐢𝐭𝐢𝐨𝐧 𝐒𝐜𝐡𝐨𝐥𝐚𝐫𝐬 (𝐁𝐍𝐒) mula sa anim na beneficiary-barangays dahil sa kanilang sipag at dedikasyon gayundin ang mga project partners dahil sa kanilang bukas-pusong pagkakaloob ng tulong. Binigyang parangal din ang dalwang batang benepisyaryo na pinakabumigat at pinakatumangkad matapos ang animnapung araw na feeding.

Naging masaya din ang aktibidad hindi lamang para sa mga bata dahil sa mga regalo, laruan at biscuits mula sa 𝐋𝐢𝐨𝐧𝐬 𝐂𝐥𝐮𝐛 at loot bags mula sa 𝐄𝐚𝐠𝐥𝐞𝐬 ngunit maging ang kanilang mga magulang sapagkat muling namigay ang 𝙍𝙀𝙄𝙉𝘼 (𝙌𝙪𝙚𝙯𝙤𝙣) 𝙎𝙪𝙣𝙧𝙞𝙨𝙚 𝙇𝙞𝙤𝙣𝙨 𝘾𝙡𝙪𝙗 ng reading glass at pananim samantalang nag-sponsor naman ang 𝘽𝙞𝙣𝙖𝙣𝙜𝙤𝙣𝙖𝙣 𝘿𝙚 𝙇𝙖𝙢𝙥𝙤𝙣 𝙋𝙖𝙘𝙞𝙛𝙞𝙘 𝙁𝙎 𝙀𝙖𝙜𝙡𝙚𝙨 𝘾𝙡𝙪𝙗 ng prizes para sa raffle.

Sa kabuoan, naging matagumpay ang ginanap na feeding program ng ICDeC sa bayan ng General Nakar sang-ayon sa naging datos mula sa report ni MNAO Angeli Sollano.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *