Para sa mas Matalinong Pamamahala ng Salapi

Infanta, Quezon – January 24. Naging sentro ng pinansyal na pag-aaral ang Tongohin Elementary School nang matagumpay na maisakatuparan ng Education and Training Committee ng Infanta Credit and Development Cooperative (ICDeC) ang isang Financial Education Seminar – isang makabuluhang na sesyon na naglalayong palakasin ang pinansyal na aspeto ng bawat ng miyembro.

Tinalakay sa seminar ang mga paksang nagsisilbing pundasyon ng isang matatag na kinabukasan tulad ng mahalagang kasanayan sa buhay kabilang ang pinansyal na pagpaplano, pag-iimpok, pagbabadyet, at responsableng pamamahala ng utang.

Sa pamamagitan ng interactive na talakayan, hinikayat ang mga kalahok na suriin ang kanilang sariling gawi sa pera, magtanong nang walang alinlangan, at dalahin ang mga praktikal na kaalaman na kanilang magagamit sa pang araw-araw na buhay.

Ang naturang sesyon ay salamin ng patuloy na pangako ng ICDeC na hindi lamang magbigay ng pinansyal na serbisyo, kundi bigyan rin ang mga miyembro ng kaalaman at kagamitan para sa mas matalinong paggamit ng pera.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *