Isang hakbang patungo sa miyembro, para sa mas malapit na serbisyo.

General Nakar, Quezon – March 7, 2026. Bilang bahagi ng misyon na dalhin ang serbisyo sa bawat miyembro ng kooperatiba, opisyal nang binuksan ng ICDeC ang pinto ng kanilang pinakabagong satellite office sa General Nakar, Quezon.

Sinimulan ang pagdiriwang sa isang makulay na motorcade na nakaakit sa atensyon ng mga residente. Sinundan ito ng pormal na blessing at ribbon-cutting ceremony na pinangunahan ng Chaiperson ng ICDeC na si Fr. Francis B. Lucas, kasama ang CEO ng ICDeC, Ms. Annalyn R. Rutaquio, at COO May Khristine N. Conde.

Nagbigay rin ng suporta at mensahe ang mga kinatawan ng ibat-ibang organisasyon sa pangunguna ni PCPT Justin Ross Cabañas, 405th A Maneuver Company RMFB4A, MCDO Perla Ayuma, at Ms. Kiersten Bauzon ng CLIMBS – mga organisasyong patuloy na nagtitiwala at nakikiisa sa layunin ng ICDeC.

Ang pagbubukas ng satellite office sa General Nakar ay bahagi ng mas malawak na adbokasiya ng kooperatiba na tiyaking ang bawat miyembro, anuman ang kanilang lokasyon ay may direktang access sa mga serbisyong ibinibigay ng ICDeC.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *